Reaction Paper: Exhibits in National Museum

Reaction Paper on the following exhibits in National Museum:
1. Telling Modern Time: The life and art of Botong Francisco Coching
2. War and Dissent: The U.S. in the Philippines
3. Philippine Haute Couture 1947-1990

Telling Modern Time: The life and art of Botong Francisco Coching 

From left: Joanna Santiago, Loren Junsay, Nathania Gravador, David Alunan, Angel MadriƱan, Jerick Galanga, Kevin Tolibao, and John Robles. At the back, a painting of Botong Francisco.
 Nabighani na naman kami sa magagandang drawings at paintings na nakita namin sa National Museum, 4th floor. Nalilito nga ako nung una… Dalawang tao pala ang involved sa exhibit ng Botong Francisco Coching. ‘Yun nga, si Botong Francisco, at si Francisco Coching. Ang galing ng mga komiks na gawa ni Coching. ‘Yun talaga and style ng komiks dati at nakapagaling ng kanyang komposisyon at mga anggulo. Magaganda rin ang pag-render at pagkulay sa mga title pages ng mga komiks. Nakakaengganya tuloy na gumawa muli ng komiks. May mga character designs din si Botong na makikita sa exhibit. Nakakatuwang balikan ang mga lumang bagay. Sa ngayon kasi, wala nang mga Pinoy komiks na gaya ng ganito.

Ang kuhang ito ay sa exhibit na iyon.  Nasa likod kami ng isang malaking painting ni botong Francisco. Kitang kita at makikilala talaga ang kanyang istilo ng pagpinta. Sa larawang ito ipinakikita ang unang  pagyakap ng mga Filipino sa relihiyong Kristyanismo na dinala ng mga Kastila sa ating bansa noong panahon ng kanilang pananakop.

From left: John Robles, David Alunan, Joanna Santiago, Angel MadriƱan, Kevin Tolibao, Jerick Galanga, Loren Junsay, and Nathania Gravador. At the back, Francisco Conching's comic artworks.
War and Dissent: The U.S. in the Philippines

Samantala, tinungo din namin ang kasunod na exhibit. Ang War and Dissent. Medyo hindi ako nag-enjoy sa exhibit na iyon. Masyadong maraming text, sana may nag-eexplain na lang.

Ang exhibit ay tungkol naman sa panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas. May mga mapa at kung anu-anong papeles ang naroon. Tungkol ito sa maliit na digmaang naganap sa pagitan ng dalawang magkaibang lahi. May multimedia production doon, and tawag ay Shadows of War. Pinanood namin iyon pero hindi na naming tinapos. Ang galing ng kaming produksyon.

Philippine Haute Couture 1947-1990

Ang huli naming pinuntahan ay ang exhibit ni SLIM. Short for Salvacion Lim Higgins, isang fashion designer. Papasok ka pa lang sa loob ay matatakot ka na dahil sa black ang buong paligid at maging and mga pader. Nakasoptlight ang mga manikin na nakasuot ng mga dinisenyong gowns at dresses ni Slim. Ang gaganda ng mga ito. Parang may pagka”past and old” ung mga design concepts pero ang ganda ng output pag inapply sa contemporary fashion style.  Pinakagusto ko ang kulay pink na dress, may belt ito sa gitna na kasing lapad ng belt ng kimono (Japanese female dress). Mukha nga siyang Japanese style. Marami ring draperies kaya humahado sa katawan ng mga manikin ang mga damit. Elegante at kakaiba din ang mga damit na may touch ng imeldific dress or ung may butterfly shoulder(?) daw.

Bawal kumuha ng litrato sa loob ng exhibit kaya hindi na naming binalak pa. At dahil kakaunti lang kaming bumisita ng oras na iyon, nakakatakot tumingin sa mga manikin ng mag-isa. Parang ready sila gumalaw anytime.

Napakaganda rin ng mga wedding gowns, lalo na ung may pagkahaba-habang nakadisplay sa may gilid ng pader at nag-iisa lang doon.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Arts: The Five (5) Roles of an Artist

English: Subject and Verb Agreement

Sociology: Attitude Towards Cultural Variations