I-post sa WIKApedia ang Iyong Katanungan tungkol sa Wikang Filipino
Ang WIKApedia ay isang proyekto ng pamahalaan ng Pilipinas (gov.ph) at ng Komisyon ng Wikang Filipino na inilunsad nito lamang Setyembre 29, 2014. Ito ay isang Facebook fanpage na kung saan ay maaari kang mag-post ng iyong mga katanungan tungkol sa wikang Filipino.
Marami pang mga aralin ang maaaring matutunan kaya naman i-LIKE na ang WIKApedia sa Facebook!
Gamit ng fanpage ang mga infographics kung saan ay pinapakita at binibigyang linaw ang mga katanugan at mga dapat malaman tungkol sa Wikang Filipino. Narito ang ilang mga halimbawa:
Bagkus, BAYBAYIN. Ito ang ngalan ng sinauna't katutubong alpabeto ng bansa. Mula ito sa baybay na ang ibig sabihin ay ispeling. Sariling atin ito at hindi natin hiniram.
Gumamit ng kudlit ( ' ) kapag may inaalis na titik (o mga titik) para paikliin ang isang salita (o mga salita).
Nagsisilbi itong pananda na may mga titik na tinanggal.
Ano-ano ba talaga ang mga titik ng Alpabetong Filipino?
Ang lumang Alpabetong Pilipino (ABAKADA) ay may 20 titik at batay lamang sa wikang Tagalog.
Ang bagong Alpabetong Filipino (ABCD) ay may 28 na titik.
F, J, V, at Z: DAhil umiiral ang mga ito sa iba pang wikang katutubo sa bansa tulad ng Ifugao, Badjaw, Ivatan, Zambal Bagobo, Maranaw at iba pa.
C, Ñ, Q, at X: Upang mapadali ang pag-aampon at panghihiram ng mga banyagang salita, lalo na ang mga terminong ginagamit sa agham.
Sa Alpabetong Filipino, naaampon ang banyaga, nayayakap ang katutubong wika.
Filipino ang ngalan ng ating Wikang Pambansa
Ayon sa Artiklulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibonsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Comments
Post a Comment