Pakikipagtalastasan at Wika (Filipino)

Pakikipagtalastasan
- proseso ng paglilipat ng mensahe o impormasyon

Wika
- instrumento ng pakikipagtalastasan
- lumalawak at yumayaman

Katangian ng wika

  • binubuo ng tunog 
  • dinamiko
  • arbitraryo
  • nanghihiram ang lahat ng wika
  • may sariling kakanyahan
  • may kaugnayan sa kultura

  • Ayon kay Frans Boas, antropologo, ang wika ng tao ay tulad ng sa hayop.
  • Ayon kay Constantino, ang wika ay daluyan, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng kultura.
  • Ayon kay Peñalosa, ang wika ay may layong lumikha ng pagbabago sa kilos, isipan at damdamin ng tao.
  • Ayon kay Brumfit, ang gampaning pangwika ay sa kung ano ang ginagawa ng nagsasalita sa kanayng wika.
Teorya sa pinagmulan

  • Bow-Wow – tunog ng kalikasan
  • Yum-Yum – pagkumpas o paggalaw
  • Pooh-pooh – masidhing damdamin
  • Yo-he-ho – pwersang pangkatawan
  • Ding-dong – lumilikha ng sariling tunog
Uri ng Komunikasyon
  • komunikasyong verbal – nababasa at pasalita
  • komunikasyong di-verbal – kilos, ekspresyon ng mukha
Wikang Pasalita
- may kontekstong sosyal
- may kagyat na feedback
- gumagamit ng paralanguage (tunog naa nalilikha, binubuo ng dami, bilis at taas ng tinig ng nagsasalita)
- anyong tuloy tuloy
- gumagamit ng informal na salita
- maaaring ulitin, linawin, baguhin
- madaling natatamo
- natutunan sa natural na proseso
- madaling isalin

Wikang Pasulat
- gawaing mag-isa
- maraming rebisyon
- walang kagyat na feedback
- panindigan ang naisulat
- higit na formal ang salita
- higit na husay sa paglalahad
- formal na pagtuturo at pagkakatuto
- higit na mahirap na pagpapahayag

Tungkulin ng Wika
  • pagkontrol sa kilos ng iba – pakiusap, pag-utos, pag-suggest, pagtanggi 
  • pagbibigay o pagkuha ng impormasyon – pagtukoy, pagtatanong, pag-uulat 
  • pagbabahgi ng damdamin – pakikiramay, pasasalamat, pagpayag, pagpuri 
  • pangangarap – magsalaysay o magkwento 
  • pagpapanatili ng pakikipagkapwa – pagbati, paghingi ng tawad, pagbibiro 


Apat (4) na Kategorya Batay sa layunin ng Nagsasalita

  1. deklarativ (declarative) 
  2. ekspresiv (expressive) 
  3. komisiv (pangako, pananakot) 
  4. direktiv (directive – utos o pakiusap) 

Ayon kay Hymes, ang wika ay binubuo ng mga salik(factors)

S – Setting (panahon at lugar)
P – Participants (taong nag-uusap)
E – Ends (layunin o intensyon ng nag-uusap)
A – Act Sequences (anyo/nilalaman ng usapan)
K – Keys (himig, paraan at kalagayan – formal at di formal)
I – Intrumentalities (midyum – pasalita o pasulat)
N – Norms (pamantayan ng interaksyon – kilos/galaw ng katawan)
G – Genres (kategorya ng usapan)

Antas ng Wika
  • Salitang Balbal o Pangkalye 
  • Salitang Kolokyal 
  • Salitang Pambansa 
  • Salitang Panlalawigan 
  • Salitang Pang-LinguaFranca 
  • Salitang Pampanitikan 
Filipino bilang Pambansang Wika
- isinatas ni Pangulong Manuel Quezon sa Saligang Batas 135 – Batas Komonwelt Bilang 184 na ang Filipino ang Pambansang Wika at ang pangunahing batayan ay ang Tagalog

Dahilan sa papgpili ng Tagalog
  • hindi mahirap sa mga hindi Tagalog 
  • nagtataglay ng 5,000 salitang hiram 
  • mayaman sa talisalitaan 
  • madaling pag-aralan 

Unang alpabeto ng mga Pilipino – ang Alibata (Paglilinaw: Kamakailan lamang ay inanunsyo na Baybayin ang tawag sa sinaunang alpabeto ng Pilipinas at hindi Alibata. Alamin ang iba pang detalye dito.)
- may 14 na katinig at 3 patinig

Comments

Popular posts from this blog

Arts: The Five (5) Roles of an Artist

English: Subject and Verb Agreement

Sociology: Attitude Towards Cultural Variations