Interview with Anastacio “Tato” Padua about his experiences and insights during the Japanese period

Interview with Anastacio “Tato” Padua about his experiences and insights during the Japanese period

Interview with Anastacio “Tato” Padua about his experiences and insights during the Japanese period

Tato [my grandfather], who was ten (10) years old during the Japanese period started in 1941, is silent before he spoke; his mind drifting back to the past and we knew enough not to interfere his thoughts. Though he is not a soldier during those times, he, like the ones who witnessed the Japanese occupation in the Philippines, has something to tell. Later, when the interview started, we let him speak his mind with the least interruptions of some questions. And here is his story.

TATO: Lahat ng mga pagkain sa Maynila, lahat ng pagkain natin [mga Pilipino], kinuha nila. Wala naman kasi silang dala nu’n [na pagkain]. Apat na taon sila nandito, 1941 hanggang 1945, wala namang dumarating sa kanilang pagkain, ‘yung pagkain sa Maynila ang kinakain nila.

Interviewer: Nasa Maynila ba kayo noon?

TATO: Oo, pero umuwi kami dito nu’n nakakariton lang kami. Lahat ng gamit namin doon nakalagay. Nilakad namin ‘yun mula Maynila hanggang dito [sa Bulacan]. Noong dumating ang mga Hapong timawa, kinuha nila lahat ng mga de lata sa Maynila, lahat ng klase. Kami [mga Pilipino] wala na kaming makain. Umalis na nga kam sa Maynila noon at ang mga tao doon kung saan saan na pumupunta sa mga probinsya.

Interviewer: ‘Di ba binomba iyong Maynila?

TATO: Oo. saka ang binomba nila, ‘yung Corregidor at Bataan din. Lahat ng mayro’ng base militar. . . Ano pa ba ilalagay d’yan, mga karansan ba sasabihin? Dumating nga ang mga Hapon, e ‘wag mo nang ilagay yung mga Hapong timawa d’yan hindi naman ‘yun karanasan e.

Interviewer: Lahat po ng naiisip, opinyon, nararamdaman, o nakikita ninyo pwede po isama dito. Kung ano’ng nangyari sa inyo.

TATO: Syempre matatakot ka nu’n, binobomba ang inyong ano [lugar].

Interviewer: Papa’no kayo nagtatago kapag ganoong binobomba na?

TATO: Anong magtatago? Bakit makakapagtago ka paba nu’n? Hindi na.

Interviewer: Ten years old ka noon , Tato?

TATO: Oo, nung 1941.

Interviewer: Sino mga kasama mo noon?

TATO: Sila. . . ang mga Kuya. . . saka sila Inang. Umuwi nga kami dito sa probinsya kasi nga nagkakagulo na sa Maynila. Angmga tao du’n e may sinasaktan, kung ano ginagawa.

Interviewer: E ‘yung mga Amerikano nasaan na?

TATO: Ano’ng nasaan ang mga Amerikano, wala. May mga iilan lang, ‘yung mga nabihag nila [mga Hapon].

Interviewer: Nakarating ba sila dito sa Bulacan?

TATO: Nakarating, pero d’yan lang, sa may sa kalsada lang. Hindi sila nagpupunta sa bukid, e takot din sila sa bukid pumunta. E pa’no baka sila mapatay sa bukid, dang kase ‘pag gabi, naglalaban yung mga gerilya, saka yung mga NPA, mga hukbalahap, saka Hapon, yang tatlong yan. Kami naman punta kami sa ilog, dapaan kami du’n para ‘di ka tamaan. Basta nagpuputukan sa gabi, naglalabanan sila.

Interviewer: Mga baril lang? Mayro’n din bang mga tangke o eroplano?

TATO: Oo, mga baril lang. Mayro’n naming nagdadaan dito mga sasakyan lang, saka pangkaraniwan kapag naglalakad ka sa klasada may mga kabayo sila. Parang nagmamartsa sila d’yan sa kalsada. ‘Di mo naman pwede patayin yan. Kasi kapag pinatay mo, halimbawa’t nagmamartsa d’yan e susunugin nils lahat ng bahay dito. Kaya hindi mapapatay e. Saka pala noon, may mga babae din silang ginagahasa. Saka wala ding posporo, lahat ng gamit. Walang sabon, walang gatas, wala lahat yan. Kaya ang ginagawang ilaw, kaunting langis, ilalagay sa baso, hahaluan ng kaunting tubig, tapos lalagyan ng mitsa. Ang liwanag e kamukha ng liwanag ng alitaptap. Halos ganun lang. Ang mga tao naman, ako mayro’n akong salawal (shorts) noon isang maong, yung maong sa katagalan di mo na makita, wala na ‘yung maong, tagpi-tagpi na, kung ano-ano na ang nakalagay doon, lahat ng klase ng basahan nakatagpi na doon. ‘Pag nga may salawal kang sako nu’n e maganda pa e, yung sakong bago, sikat ka pa nu’ng panahong ‘yun.

Interviewer: Hindi ba kayo lumaban noon?

TATO: Anong lalaban e hindi ka naman gerilya, wala ka namang baril. A ‘eto pa pala, ‘yung ngang mga pagkian natin wala, Kaya ang kinakain ng mga tao noon, kamote, nagsasaka ng kaunti, pero madaming isda noong panahong iyon, saka suso. Sa Maynila nga e ‘di ba nagkagutom ang mga tao roon, kaya nga ng umuwi sila kung makita mo nga namamanas, pano’y wala ngang makain. Saka ‘di ba yung mga babae ginagahasa, ‘yung mga lakaki naman nagsusuot ng barong babae. Natatakot din at kapag nakita ng Hapon e, pinapatay din ng mga hapon ‘yung ibang lalaki. Sa Fort Santiag, doon pala madaming pinatay. Madami na ngang papataying doon kaya dinalian ng mga ‘Kano, at bumalik ng 1945, tinira na sila ng tinira, dahil marami na ngang papatayin du’n e, ‘yung mga nakakulong doon sa Fort Santiago.

Saka noong ang mga ‘Kano e nagpunta na dito, nagkakanaan na sila sa taas, ang Hapon at ang ‘Kano, e ang eroplano ng Hapon mababa, sa ‘Kano mataas, nirarapido sila, walang silang mala’ang takbuhan. Kaya sila kung saan-saan na lang tumatakbo ng dumating ang mga ‘Kano ng sumusalakay na dito. 1945 na ‘un. E pano nga e ang lipad ng eroplano ng Hapon e ganun lang. ‘Yun pinapanood namin ‘yun. Naglalaban sila a taas e tinatanaw namin ‘yung naglalaban. Nagbabagsak ng bomba.

E nu’ng nagpunta naman ang mga Hapon dito sa no lang sila nahirapan sa Corregidor at Bataan, bago nila nakuha. Tinadaan nila ‘yan. Pati mga ilog, tubig nilgyan ng kuryente, kaya ang sabi nila ang tubig daw kuru-kuro.Matagal bago sila nakapasok doon.

Gutom ang inabot talaga ng tao nu’ng panahon ng Hapon, walang makain. Grabe ang ginawa nilang pahirap noon sa Pilipino. Maraming mga pinapatay, binabaril, sinasaksak ng bayoneta, ‘yung baril na may tulis sa dulo.

Interviewer: Naikwento mo noon na humuhukay kayo ng taguan sa lupa?

TATO: Oo, gaya nito, humukay ka dito, mga kasing taas ng tao, pag nagpuputukan e tago ka dito, tago ka lang doon. Kapag ang putukan lang e sa baba [lupa], e pag sa taas [himpapawid] uubra ba ‘yun? E dahil nga nasa tabing ilog kami, hindi na kami humuhukay ng shelter, dadapa na lang kami doon sa may ilog, nagtatago. Ang pangkaraniwang labanan naman e gabi, hindi araw. Oo kaya hindi rin nakikita, basta maririnig mo na lang ‘yung putok. Malalaman mo yung putok ng baril ng Hapon, ang putok nu’n ‘pik-boom’ dalawang putok, ganoon. E mahina naman ‘yung baril nila na’yun.

Ang ginagamit naman naming saon naman nung araw, putik na malagkit [sa ilog], ‘yun ang sinasabon sa ulo. Sa damit naman panlaba, sinuog na lilya, [katas ng abo], ilalagay ‘yan sa palayok na may tubig, kakatas ‘yun. Ang kalan naman, sigà. Hindi ka dapat mawalan ng siga sa tabi ng bahay mo, kasi doon ka lang pwede kumuha ng apoy kasi nga walang posporo, kaya ‘yung siga hindi na pinapatay ‘yun, pinapalibutan ng mga tuyong kahoy at tuyong dumi ng kalabaw para hindi mamatay yung baga. Gumagamit din ng sumpak noon, nakabalot ‘yun na kusot ng kahoy sa basahan, pagkiniskis mo magkakaron ng kaunting baga, hihipan mo ‘yun hanggang magliyab.

Interviewer: Magkakasama kayong pamilya doon, hindi ba kayo binugbog o sinaktan?

TATO: Hindi naman. Pero noong bandang huli nga may nananakit na.

Comments

Popular posts from this blog

Arts: The Five (5) Roles of an Artist

Sociology: Attitude Towards Cultural Variations

English: Subject and Verb Agreement