Posts

Showing posts from October, 2014

I-post sa WIKApedia ang Iyong Katanungan tungkol sa Wikang Filipino

Image
Ang WIKApedia ay isang proyekto ng pamahalaan ng Pilipinas (gov.ph) at ng Komisyon ng Wikang Filipino na inilunsad nito lamang Setyembre 29, 2014. Ito ay isang Facebook fanpage na kung saan ay maaari kang mag-post ng iyong mga katanungan tungkol sa wikang Filipino. Ang WIKApedia ay kalipunan ng mga aralin at paglilinaw hinggil sa wikang Filipino. Tutugon ang pahinang ito sa inyong mga katanungan tungkol sa wika. (Fanpage description) Marami pang mga aralin ang maaaring matutunan kaya naman i-LIKE na ang WIKApedia sa Facebook ! Gamit ng fanpage ang mga infographics kung saan ay pinapakita at binibigyang linaw ang mga katanugan at mga dapat malaman tungkol sa Wikang Filipino. Narito ang ilang mga halimbawa: Hindi totoo ang Alibata. Imbento ito ng isang gurong inakalang mula ito sa Arabe. Hango ito sa unang mga titik ng Arabe: alif + bata = alibata Bagkus, BAYBAYIN. Ito ang ngalan ng sinauna't katutubong alpabeto ng bansa. Mula ito sa baybay na ang ibig sabihi

BAYBAYIN ang Sinauna at Katutubong Alpabeto ng Ating Bansa [Pilipinas]

Image
Hindi raw totoo ang ALIBATA. Bagkus, BAYBAYIN ang sinauna at katutubong alpabeto ng ating bansa [Pilipinas]. Mula ito sa baybay na ang ibig sabihin ay ispeling. Sariling atin at hindi hiram. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa:  WIKApedia , ang Facebook fanpage tungkol sa Aralin sa Filipino na hatid ng GOV.PH